Thursday, 18 July 2013

Their Love Story

“Keeping their Love Alive”
( Secret Admirer Continuation )

By:

Cyrah Delos Reyes


            Ngayon ang 3rd death anniversary ni Ian. Isang malungkot na araw na naman ito para kay Shin. Sino ba naman ang hindi malulungkot ‘di ba?, mahal niya yun eh. Bawat araw ng buhay niya, ginugol niya sa pag-iyak, pagsisisi, galit, at pagiging malungkot pagkatapos mamatay ni Ian. Nagsisisi siya dahil hindi naging mabuti ang huli nilang pag-uusap, napapaiyak siya tuwing naaalala niya ang ginawa niyang pagsigaw kay Ian, at galit siya sa sarili niya dahil hindi man lamang niya naipadama kay Ian ang pagmamahal niya. Ngayo’y nasa kolehiyo na siya at nag-aaral ng medisina pero para sa kanya, wala nang silbi ang buhay niya sa mundo sapagkat puno na siya ng galit sa sarili niya dahil para sa kanya malaki ang nagawa niyang kasalanan kay Ian.

Nasa bubong ng gusali ng school nila si Shin sa mga oras na iyon. Stress, pressure, galit, at kung anu-ano pang emosyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon dala siguro ng mga problema niya sa school. Pumunta siya sa pinakagilid ng bubong kung saan makikita mo ang napakagandang tanawin ng siyudad. Isa iyong delikadong parte ng bubong ng gusali pero dahil nais niyang mapag-isa naisipan niyang magtago doon. Habang nakatayo siya sa parte ng gusaling iyon, inaalala niya ang mga oras na magkasama sila ni Ian. Masaya sila noon, nagkukwentuhan, nagtatawanan at nag-aasaran. Ngiting-ngiti siya habang inaalala ang mga iyon at hindi niya namalayang may sira ang kongkretong tinatayuan niya na naging malala ang kondisyon dulot ng mga nakaraang lindol na naranasan nila sa ilang taong nakalipas. Hindi iyon namalayan ni Shin, sa halip ay tulala ito at nagulat na lamang siya nang bigla itong gumuho. Takot na takot ang dalaga sa nangyayari at nang sinubukan niyang makaaalis sa kinatatayuan niya’y bigla itong nasira, muntikan nang nahulog ang dalaga kung hindi siya hinawakan at iniligtas ng isang lalaki.


Hinawakan ng mahigpit ng lalaki ang kamay ng dalaga. Hindi nito binitiwan ang kamay ni Shin. Habang hinihila pataas ng lalaki si Shin unti-unti itong namumukhaan ng dalaga.

Shin: Ian? I..i..i.. Ian! (sabay yakap sa lalaki)

Lalaki: Miss, okay ka lang? Alam mo bang nag-alala ako kanina pa sa iyo? Tinawag kita ng makailang beses para sabihing umalis ka dito pero hindi mo ako narinig. Ano bang problema sa iyo? Miss, nagpapakamatay ka ba?.. miss?... ano ba mi---

Nahinto ang pagsasalita ng lalaki nang hinalikan siya ni Shin. Nagulat ito at natulala sa pangyayari. Hindi niya alam kung ano ang gagawin pero nararamdaman ng lalaki na ang halik na iyon ay punung-puno ng pagmamahal na hindi pa naipadama. Nang inialis ni Shin ang labi niya, tiningnan nito ang lalaki. Kamukhang-kamukha nito si Ian. Matangkad, gwapo at matangos ang ilong. SIYA NGA!

Shin: Ian! Bu..buhay ka? Panong?

Lalaki: Ha? Ano bang pinagsasabi mo miss? Chris ang pangalan ko hindi Ian.

            Naisip ni Shin na hindi nga ito si Ian. Kamukha lang pala. Doon niya naramdaman ang kahihiyang ginawa niya sa lalaki.

Shin: Naku! Uhmmm.. So.. so.. sorry! Akala ko kasi ikaw si— sige !Sa… salamat pala at paalam !

            Tulala ang lalaki, nakatingin ito sa maamong mukha ng dalaga. Hindi nito alam kung ano ang magiging reaksyon at pinabayaan na lamang niyang umalis ang babae. Nang nagkamalay na ulit ang lalaki, napangiti na lamang ito. Narealize niyang napakaganda ni Shin. Dahil doon, nais niyang malaman ang pangalan ng dalaga. Nais din niyang makilala ito at maging kaibigan. Kinalimutan din niyang hinalikan siya dahil alam nitong problemado lang ang babae kaya niya nagawa iyon. At wala siya sa sarili niya kaya niya hinalikan ang lalaki.

            Isang araw, nalaman na lamang ni Chris  na magkaklase pala sila ni Shin. Masayang masaya ito. Nag shift kasi siya ng course para magkapareho sila ng department ni Shin at hindi naman niya inasahang susuwertihin siya’t magkaklase pa talaga sila. Nasa harapan lang niya ang upuan ni Shin. Hindi naman siya napansin ng dalaga kasi nagsusulat ito. Nakangiti ang binata habang pinagmamasdan si Shin kahit na nakatalikod.

            Break time na. Tumayo na ang mga estudyante kasama na si Shin at Chris, nagpunta sa kani-kanilang grupo ang iba at umalis ng classroom para kumain. Nakangiti pa ring tumititig si Chris kay Shin.  Nahulog ng dalaga ang ballpen nito. Nasa likod nun ang binata. Pinulot nito ang ballpen at tinawag si Shin.

Chris: Miss Bubong, uhmm.. ballpen mo?

Biglang napalingon si Shin. Naka slowmotion ang lahat para kay Chris. Nilapitan niya si Shin at binigay ang ballpen. Mabilis namang nakilala ng dalaga ang binata. Yumuko ang dalaga na parang nahihiya. Iniabot ang kamay niya at kinuha ang ballpen sabay sabi ng pasasalamat. Nang tatakbo na sana si Shin, biglang hinawakan ni Chris ang kamay niya.

Chris: (Nakangiti) Miss Bubong? Ako nga pala si Chris Bautista. Ikaw ?

Shin : Uhmmm, Shin Go.

Chris: Pwede ba tayong maging friends?

Shin: Ah, si-sige.

Chris: Oh? Ba’t nakayuko ka pa rin Shin? Wag ka nang mahiya

Shin: Kasi.. tungkol sa nangyari noon…

Chris : Wala yun. Kinalimutan ko na nga eh. Hindi mo pa rin makalimutan? Let’s start everything in a good way by being good friends.

Shin: … Ganun ba? Uhmm.. Sige!

Hindi doon natapos ang pagkikita nila sapagkat araw araw na nasisilayan nila ang isa’t- isa sa klase at araw-araw na din silang magkasama. Parang si Ian lang talaga ang kasama niya. Palabiro at maasarin din kasi si Chris. Dahil sa palagian nilang pagsasamahan ay unti-unti nang naalis ang sakit na dala ng pagkamatay ni Ian at unti-unti ding nabura ang galit sa puso ng dalaga. Naging masayahin ulit siya sa mga araw na nagdaan at naging mag bestfriends na din sila.

Lumipas ang ilang araw, lalong tumibay ang damdamin ni Chris kay Shin. At sa wakas ay napamahal na ito sa dalaga. Para mapasaya, mapangiti, at mapakilig ang dalaga, naisipan niyang bigyan ito ang love letter at kung ano pang regalo at ilagay ang mga ito sa locker ng dalaga araw-araw.

Napansin ni Shin ang mga natatanggap niyang sulat at regalo at tuwang tuwa ito sa nagbigay. Nagpakilala itong secret admirer niya. Naalala tuloy ni Shin si Ian. Napangiti ang dalaga. Mula noon, palagi nang Masaya si Shin sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay niya. Ms naging makulay ang buhay niya dahil sa admirer niya.

Isang araw habang naglalakad pauwi ang dalawa, biglang napahinto si Chris. Hinawaka nito ang dalaga sa kamay at tinignan sa mga mata nito. Nakatitig naman ang dalaga sa binatang nakatingin din sa kanya. Iyon ang ikalawang beses na naramdaman niya ulit ang nadarama niya kay Daniel, ang unang boyfriend niya. Tumibok ang puso ng dalaga. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Chris? Mabait, gwapo, matalino at KAMUKHA si IAN.

Chris: uhmm Shin? May sasabihin sana ako.

Shin: Ano yun Chris? Parang ang seryoso mo naman, sige sabihin mo.

Chris: Ano kasi eh. Uhmm, ako yung… ahhhh. Ano kasi, ako yung SECRET ADMIRER mo. Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Gusto kita Shin. Mula noong una tayong nagkita sa bubong, naging crush kita kaagad. Naging crush kita hindi dahil sa hinalikan mo ako noon kundi dahil napakaganda’t bait mo. Actually, lumipat ako ng department para sa iyo. Saka masayang masaya ako nang nalaman kong magkaklase pa pala tayo. Lalo akong napamahal sa iyo ngayon Shin. Mahal na mahal kita. Sana ... ah basta! Sorry kung ayaw mo sa akin. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko eh. Ang mahalaga sa aki’y nasabi ko ang totoo kong nararamdaman sa’yo. Sana huwag mo akong husgahan kaagad. Sana ‚ ‘di masira pagkakaibigan natin.

            Natulala ang dalaga, pagkalipas ng ilang segundo ay napa full smile ito at niyakap niya bigla ang binata. Mahigpit. Pero bigla niyang tinigil ang pagyakap kay Chris. Tumalikod siya’t naglakad. Hindi niya yata alam kung ano ang magiging reaksyon niya.

Chris: Teka Shin! Sorry talaga. Ano bang dapat kong gawin para patawarin mo ako?

            Biglang humarap ang dalaga at hinalikan si Chris. Yun ang ikalawang beses na hinalikan niya si Chris. Pero ngayon, naramdaman ni Chris na mas puno ng pagmamahal ang halik niya na para bang may nais sabihin. Biglang natigilan ang dalaga.

Shin: Naramdaman mo ba? Oo Chris! Mahal din kita. Mahal na mahal.

            Huminto ang oras sa mga sandaling iyon. Masayang niyakap ni Chris si Shin. Ngayong alam na nilang nagmamahalan pala sila’y sinamantala ni Chris ang pagkakataon.

Chris : Shin, hayaan mong ipadama ko sayo ang nararamdaman ko. Shin, sana’y payagan mo akong manligaw sa iyo.

            Natatakot noon si Chris sapagkat maaring hindi pumayag si Shin. Pero mas lalong umapaw ang kaligayahan nito nang pumayag ang dalaga.

            Isang pinakamasayang araw iyon para sa dalawa. Naglakad sila ng naghoholding hands at kapwa silang puno ng pagmamahalan.


            Pagkalipas ng ilang linggo ay naging sila na nga sa wakas. Naging masaya sila sa isa’t isa at ipangpatuloy nila pagmamahalan hanggang ngayon. Wala na silang hinangad pa. Kinalimutan na ni Shin ang lahat ng bumabagabag sa kanya sapagkat alam niyang kung nasan man ngayon si Ian ay masaya rin ito para sa kanya. Naging maligaya siya sa piling ni Chris, ang lalaking para talaga sa kanya, ang Ian niya.
           
           

- END -

No comments:

Post a Comment