“Keeping their Love Alive”
( Secret Admirer Continuation )
By:
Cyrah Delos Reyes
Ngayon
ang 3rd death anniversary ni Ian. Isang malungkot na araw na naman
ito para kay Shin. Sino ba naman ang hindi malulungkot ‘di ba?, mahal niya yun
eh. Bawat araw ng buhay niya, ginugol niya sa pag-iyak, pagsisisi, galit, at
pagiging malungkot pagkatapos mamatay ni Ian. Nagsisisi siya dahil hindi naging
mabuti ang huli nilang pag-uusap, napapaiyak siya tuwing naaalala niya ang
ginawa niyang pagsigaw kay Ian, at galit siya sa sarili niya dahil hindi man
lamang niya naipadama kay Ian ang pagmamahal niya. Ngayo’y nasa kolehiyo na
siya at nag-aaral ng medisina pero para sa kanya, wala nang silbi ang buhay
niya sa mundo sapagkat puno na siya ng galit sa sarili niya dahil para sa kanya
malaki ang nagawa niyang kasalanan kay Ian.
Nasa bubong ng
gusali ng school nila si Shin sa mga oras na iyon. Stress, pressure, galit, at
kung anu-ano pang emosyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon dala
siguro ng mga problema niya sa school. Pumunta siya sa pinakagilid ng bubong
kung saan makikita mo ang napakagandang tanawin ng siyudad. Isa iyong
delikadong parte ng bubong ng gusali pero dahil nais niyang mapag-isa naisipan
niyang magtago doon. Habang nakatayo siya sa parte ng gusaling iyon, inaalala
niya ang mga oras na magkasama sila ni Ian. Masaya sila noon, nagkukwentuhan,
nagtatawanan at nag-aasaran. Ngiting-ngiti siya habang inaalala ang mga iyon at
hindi niya namalayang may sira ang kongkretong tinatayuan niya na naging malala
ang kondisyon dulot ng mga nakaraang lindol na naranasan nila sa ilang taong
nakalipas. Hindi iyon namalayan ni Shin, sa halip ay tulala ito at nagulat na
lamang siya nang bigla itong gumuho. Takot na takot ang dalaga sa nangyayari at
nang sinubukan niyang makaaalis sa kinatatayuan niya’y bigla itong nasira,
muntikan nang nahulog ang dalaga kung hindi siya hinawakan at iniligtas ng
isang lalaki.
Hinawakan ng
mahigpit ng lalaki ang kamay ng dalaga. Hindi nito binitiwan ang kamay ni Shin. Habang hinihila
pataas ng lalaki si Shin unti-unti itong namumukhaan ng dalaga.
Shin: Ian? I..i..i..
Ian! (sabay yakap sa lalaki)
Lalaki: Miss, okay ka
lang? Alam mo bang nag-alala ako kanina pa sa iyo? Tinawag kita ng makailang
beses para sabihing umalis ka dito pero hindi mo ako narinig. Ano bang problema
sa iyo? Miss, nagpapakamatay ka ba?.. miss?... ano ba mi---
Nahinto ang pagsasalita ng lalaki nang hinalikan siya ni Shin. Nagulat
ito at natulala sa pangyayari. Hindi niya alam kung ano ang gagawin pero
nararamdaman ng lalaki na ang halik na iyon ay punung-puno ng pagmamahal na
hindi pa naipadama. Nang inialis ni Shin ang labi niya, tiningnan nito ang
lalaki. Kamukhang-kamukha nito si Ian. Matangkad, gwapo at matangos ang ilong.
SIYA NGA!
Shin: Ian! Bu..buhay
ka? Panong?
Lalaki: Ha? Ano bang
pinagsasabi mo miss? Chris ang pangalan ko hindi Ian.
Naisip
ni Shin na hindi nga ito si Ian. Kamukha lang pala. Doon niya naramdaman ang
kahihiyang ginawa niya sa lalaki.
Shin: Naku! Uhmmm..
So.. so.. sorry! Akala ko
kasi ikaw si— sige !Sa… salamat pala at paalam !
Tulala ang lalaki, nakatingin ito sa maamong mukha ng
dalaga. Hindi nito alam kung ano ang magiging reaksyon at pinabayaan na lamang
niyang umalis ang babae. Nang nagkamalay na ulit ang lalaki, napangiti na
lamang ito. Narealize niyang napakaganda ni Shin. Dahil doon, nais niyang
malaman ang pangalan ng dalaga. Nais din niyang makilala ito at maging
kaibigan. Kinalimutan din niyang hinalikan siya dahil alam nitong problemado
lang ang babae kaya niya nagawa iyon. At wala siya sa sarili niya kaya niya
hinalikan ang lalaki.
Isang
araw, nalaman na lamang ni Chris na
magkaklase pala sila ni Shin. Masayang
masaya ito. Nag shift kasi siya ng course para magkapareho sila ng department
ni Shin at hindi naman niya inasahang susuwertihin siya’t magkaklase pa talaga
sila. Nasa harapan lang
niya ang upuan ni Shin. Hindi naman siya napansin ng dalaga kasi nagsusulat
ito. Nakangiti ang binata habang pinagmamasdan si Shin kahit na nakatalikod.
Break time na. Tumayo na ang mga
estudyante kasama na si Shin at Chris, nagpunta sa kani-kanilang grupo ang iba
at umalis ng classroom para kumain. Nakangiti pa ring tumititig si Chris kay
Shin. Nahulog ng dalaga ang ballpen nito.
Nasa likod nun ang binata. Pinulot nito ang ballpen at tinawag si Shin.
Chris: Miss Bubong,
uhmm.. ballpen mo?
Biglang napalingon si Shin. Naka slowmotion ang lahat para kay Chris.
Nilapitan niya si Shin at binigay ang ballpen. Mabilis namang nakilala ng dalaga ang binata.
Yumuko ang dalaga na parang nahihiya. Iniabot ang kamay niya at kinuha ang ballpen sabay sabi ng pasasalamat. Nang
tatakbo na sana si Shin, biglang hinawakan ni Chris ang kamay niya.
Chris:
(Nakangiti) Miss Bubong? Ako nga pala si Chris Bautista. Ikaw ?
Shin : Uhmmm, Shin
Go.
Chris: Pwede ba tayong
maging friends?
Shin: Ah, si-sige.
Chris: Oh? Ba’t
nakayuko ka pa rin Shin? Wag ka nang mahiya
Shin: Kasi..
tungkol sa nangyari noon…
Chris :
Wala yun. Kinalimutan
ko na nga eh. Hindi mo pa rin
makalimutan? Let’s start everything in a good way by being good friends.
Shin: … Ganun ba? Uhmm..
Sige!
Hindi doon natapos ang pagkikita nila sapagkat araw araw na nasisilayan
nila ang isa’t- isa sa klase at araw-araw na din silang magkasama. Parang si
Ian lang talaga ang kasama niya. Palabiro at maasarin din kasi si Chris. Dahil
sa palagian nilang pagsasamahan ay unti-unti nang naalis ang sakit na dala ng
pagkamatay ni Ian at unti-unti ding nabura ang galit sa puso ng dalaga. Naging
masayahin ulit siya sa mga araw na nagdaan at naging mag bestfriends na din
sila.
Lumipas ang ilang araw, lalong tumibay ang damdamin ni Chris kay Shin.
At sa wakas ay napamahal na ito sa dalaga. Para mapasaya, mapangiti, at
mapakilig ang dalaga, naisipan niyang bigyan ito ang love letter at kung ano
pang regalo at ilagay ang mga ito sa locker ng dalaga araw-araw.
Napansin ni Shin ang mga natatanggap niyang sulat at regalo at tuwang
tuwa ito sa nagbigay. Nagpakilala itong secret admirer niya. Naalala tuloy ni Shin
si Ian. Napangiti ang dalaga. Mula noon, palagi nang Masaya si Shin sa mga
pangyayaring nagaganap sa buhay niya. Ms naging makulay ang buhay niya dahil sa
admirer niya.
Isang araw habang naglalakad pauwi ang dalawa, biglang napahinto si
Chris. Hinawaka nito ang dalaga sa kamay at tinignan sa mga mata nito. Nakatitig naman ang dalaga sa
binatang nakatingin din sa kanya. Iyon ang ikalawang beses na naramdaman niya ulit
ang nadarama niya kay Daniel, ang unang boyfriend niya. Tumibok ang puso ng
dalaga. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Chris? Mabait, gwapo, matalino
at KAMUKHA si IAN.
Chris: uhmm Shin? May sasabihin
sana ako.
Shin: Ano yun Chris? Parang ang seryoso mo naman, sige
sabihin mo.
Chris: Ano
kasi eh. Uhmm, ako yung… ahhhh. Ano
kasi, ako yung SECRET ADMIRER mo. Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Gusto kita
Shin. Mula noong una tayong nagkita sa bubong, naging crush kita kaagad. Naging
crush kita hindi dahil sa hinalikan mo ako noon kundi dahil napakaganda’t bait
mo. Actually, lumipat ako ng department para sa iyo. Saka masayang masaya ako nang nalaman kong
magkaklase pa pala tayo. Lalo akong napamahal sa iyo ngayon Shin. Mahal na
mahal kita. Sana ... ah basta! Sorry kung ayaw mo sa akin. Hindi ko naman
ipipilit ang sarili ko eh. Ang mahalaga sa aki’y nasabi ko ang totoo kong
nararamdaman sa’yo. Sana huwag mo akong husgahan kaagad. Sana ‚ ‘di masira
pagkakaibigan natin.
Natulala ang dalaga, pagkalipas ng
ilang segundo ay napa full smile ito at niyakap niya bigla ang binata.
Mahigpit. Pero bigla niyang tinigil ang pagyakap kay Chris. Tumalikod siya’t naglakad.
Hindi niya yata alam kung ano ang
magiging reaksyon niya.
Chris: Teka Shin! Sorry
talaga. Ano bang dapat kong gawin para patawarin mo ako?
Biglang humarap ang dalaga at hinalikan si Chris. Yun ang
ikalawang beses na hinalikan niya si Chris. Pero ngayon, naramdaman ni Chris na
mas puno ng pagmamahal ang halik niya na para bang may nais sabihin. Biglang
natigilan ang dalaga.
Shin: Naramdaman mo ba?
Oo Chris! Mahal din kita. Mahal na mahal.
Huminto
ang oras sa mga sandaling iyon. Masayang niyakap ni Chris si Shin. Ngayong alam
na nilang nagmamahalan pala sila’y sinamantala ni Chris ang pagkakataon.
Chris : Shin,
hayaan mong ipadama ko sayo ang nararamdaman ko. Shin, sana’y payagan mo akong
manligaw sa iyo.
Natatakot noon si Chris sapagkat maaring hindi pumayag si
Shin. Pero mas lalong umapaw ang kaligayahan nito nang pumayag ang dalaga.
Isang
pinakamasayang araw iyon para sa dalawa. Naglakad sila ng naghoholding hands at kapwa silang puno ng
pagmamahalan.
Pagkalipas ng ilang linggo ay naging sila na nga sa wakas.
Naging masaya sila sa isa’t isa at ipangpatuloy nila pagmamahalan hanggang
ngayon. Wala na silang hinangad pa. Kinalimutan na ni Shin ang lahat ng
bumabagabag sa kanya sapagkat alam niyang kung nasan man ngayon si Ian ay masaya
rin ito para sa kanya. Naging maligaya siya sa piling ni Chris, ang lalaking
para talaga sa kanya, ang Ian niya.
- END -


