“Secret Admirer”
By:
Cyrah Delos Reyes

Ano'ng masasabi
niyo sa kasabihang, “ The more you hate, the more you love?” . Parang 'di naman 'di ba? Diyan kayo
nagkakamali! Kasi di niyo alam, maaari ring maging totoo 'to! Let me tell you a
story 'bout a girl named Shin, and the boy named Ian. Gusto niyong malaman? Ok,
I'll start my story now so read and understand this carefully :)
Si Shin na yata ang pinakamaganda,
mabait, talented, at joker na kaibigan para kay Ian, kaya nga crush niya ito.
Kung si Shin naman ang tatanungin, Si Ian na daw yata ang pinakamakulit at mapambola
niyang kaibigan, kaya sa sobrang kakulitan niya, palaging nagagalit sa kanya si
Shin. Exciting ang buhay ni Shin, may mabuting pamilya, masayahing mga kaibigan
at pinakagwapong crush- Si DANIEL! Isang basketball player ng School nila,
gwapo na mabait pa.
Isang araw, habang naglalakad si Shin
papuntang school, nakita niya si Daniel mula sa likod niya at nagbabike pa, ang
swerte yata ni Shin ngayon ah! Nabigla siya nang alukin siya ni Daniel na
makiangkas sa likod niya, kilig na kilig naman si Shin. Nakita ito ni Ian,
ayon, kumunot ang noo niya, parang naiinggit ata eh. Ewan ko ba kay Shin, gwapo
naman si Ian, mabait- minsan, kaso makulit saka kasali siya sa varsity ng
Swimming. Si Shin naman, simple lang, isang mabuting estudyante, maganda,
mabait, cute, talented, at palabiro din minsan.
Oops! May nalaman ngayon si Shin, – crush
din siya ni Daniel! Uyy! Kakakilig, Si Ian naman, parang nawalan na ng pag-asa,
kaya wala siyang ginawa kundi asarin si Shin araw-araw para mapalapit silang
dalawa. Pero walang epekto, parang nagkakamabutihan na yata sina Shin at Daniel.
Hiyaw na hiyaw naman ang mga tao kapag magkasama sila. At
inakala ni Shin na iyon na ang lalaki para sa kanya.
Si Carla,
bestfriend ni Shin, ay may gusto rin kay Daniel. Kung
masaya ang dalawang nagkakamabutihan, parang namatayan naman ang dalawang
nawawalan ng pag-asa. Araw-araw nangyayari na binabaunan ni Shin si Daniel ng
cupcakes, mas lalo pang sweet ang dalawa kapag pinapahiran ni Shin ang pawis ni
Daniel, at hinahalikan naman ni Daniel sa noo si Shin, Parang manununtok naman si
Ian at napapatulala si Carla.
Isang
araw, nagulat na lamang si Shin sa mga regalo at love letter sa locker niya,
ayun, napapangiti naman siya, palagi siyang pumupunta sa locker niya para
tignan kung may regalo uli siya at hindi naman siya nagkakamali. Ayon! May
secret admirer ngayon siya!. Sa araw araw, nakikita rin ng patago ni secret
admirer ang ngiti ni Shin .
Habang,
kumakain ng lunch sina Daniel at Shin,
natutulala palagi si Shin na para bang may iniisip, at gustong malaman
kung sino ang secret admirer niya. At dahil dun' nagtataka palagi si Daniel
kung sino ang taong nag aadmire kay Shin nang nalaman niyang may secret admirer
ang nobya niya. Hindi naman suplado at pikon si Daniel pero parang sobra na ang
pang aadmire ng taong ito kay Shin at naaagaw nito ang atensyon ni Shin sa
kanya.
Ayaw yata ng S.A. ni Shin na masaktan ang
dalaga kung maghihiwalay sila ni Daniel dahil sa kagagawan niya kaya sumuko na
siya at tumigil sa pagbibigay ng mga regalo at love letter.
Isang hapon, excited na
pumunta si Shin sa locker niya para makita ang bigay ng secret admirer niya,
pero nalungkot siya nang wala siyang nakita. Para atang namiss niya ang S.A. niya.
Nasa gilid naman si Ian at nakatitig kay
Tin at ngumingiti. Biglang nagpakita si Ian at inasar siya, “oh, ba't parang
malungkot ka ata? hahahaha namimiss mo yung S.A. mo no?, sabi niya. “ha? haha, hindi nu!, may
tinignan lang ako, at saka, napaka chismoso mo naman Ian! Kakainis.,,hhmp.” ,
sabi ni Shin. Napapangiti na lamang si Ian.
Isang
araw, nalaman at nakita ni Shin na magkasama at masaya sina Carla at Daniel. At doon niya nalamang
hindi pa sila break ay may relasyon na sina Carla at Daniel. Masakit na masakit
iyon para kay Shin dahil mahal niya si Daniel at bestfriend niya si Carla.
Hindi niya matanggap ang pangyayaring nakita niya pumunta siya sa lugar kung
saan sila palaging nag uusap ni Ian. Gusto ni Shin na mapag-isa sa mga
sandaling iyon ngunit di inaasahang dumating si Ian at mukahang may
importanteng sasabihin yata sa kanya, umupo sa gilid niya at inakalang aasarin
siya, hindi pa man nakapagsalita si Ian ay Sinigawan na niya ito. “
Pwede ba Ian, kung nandito ka para asarin ako umalis ka na! Ayokong makita ka at
galit ako sa iyo!” masakit yun para kay Ian.
Ilang araw ding hindi nag usap sina Shin
at Ian. Parang namimiss na yata ni Shin si Ian. Naalala niya
ang mga araw na palaging nandiyan si Ian para sa kanya at kung gaano kasayang
kasama si Ian lalo na pag nambobola ito. Napaluha si Shin. Hindi na sila
nagkita muli dahil hindi na pumapasok sa school si Ian. Naisip na lamang ni Shin
na galit ito sa kanya.
Isang
hapon, pumunta si Shin sa locker niya, may nakita siyang sulat, mula sa secret
admirer niya at parang kakalagay lang ng S.A niya ito doon. Binasa niya ito at
ito ang nabasa niya. “ Hi Shin, alam kong hindi mo ako kilala, pero alam mo,
palagi mo akong kasama, actually kilala mo pala ako, hindi mo lang napapansin,
alam mo crush kita noon pa, pero di mo lang nakikita, nang naging kayo ni Daniel,
gumuho ang mundo ko, nawalan ako ng pag-asa. Alam mo, ikaw ang nag papangiti
sakin palagi. Kung anuman ang nagawa ko sa iyong kasalanan at sinigawan mo
ako't pinaalis sa tagpuan natin, sana'y patawarin mo ako at paalam na pala.
Nagmamahal, ang iyong secret admirer, Ian :’(. Pagkatapos nun ay parang
nakaramdam siya ng mainit at puno ng pagmamahal na halik sa kanyang labi.
Tumingin siya sa paligid, pero walang tao. Nagulat siyang si Ian pala ang S.A.
niya at nagtataka kung ba't ito nagpapaalam.
Habang
natutulala siya, nagulat siya nang tinawag siya ni Carla. Galit pa rin dito si Shin
pero parang importante ang sasabihin niya. “Shin, sana patawarin mo na ako, alam
ko galit ka pa rin, pero andito ako para sabihin sa iyong patay na si Ian,
nagkaroon siya ng cancer sa utak, nais kong sabihin sa iyo ito nun' kaso
umiiwas ka sa akin. Tin, alam mo, mahal na mahal ka ng lalaking iyon, kahit
iyon lang iyon, palagi kang iniisip nun. Kaya siya hindi pumapasok sa school ay
dahil nag ke-chemotherapy siya at kahapon ang araw kung kailan binawian siya ng
buhay. Ang huli niyang bilin sa akin ay sabihin sa iyo na mahal na mahal ka
niya at ewan ko kung anong kasalanan niya sayo na humihingi siya ng tawad nang
sigawan at paalisin mo daw siya. Iyon lang Shin.” sabi ni Carla.
Natulala
si Shin at napaiyak, ang pagmamahal na hinahanap-hanap niya ay malapit lang
pala sa kanya noon pa, ay doon niya na realize na mahal din niya si Ian, ngunit
huli na ang lahat, napapaiyak din siya kapag naaalala niya ang sulat ng
paghingi ng tawad ni Ian na wala naman talaga siyang kasalanan, napapaiyak siya
kapag naiisip niyang siya lamang pala ang S.A nito, napapaiyak siya tuwing
naiisip niyang sinigawan niya sa huling pagkakataon si Ian at pinaalis kung saan sasabihin siguro sana ni Ian na may
sakit ito at mahal siya nito. Ang
pagmamahal niya kay Ian ay higit pa sa pagmamahal niya kay Daniel. At ang pagmamahal na
ito'y dinala niya habangbuhay. Ngayon, pinatunayan sa atin ni Shin na, “the
more you hate, the more you love. “
PS: I just made this all up. In short, this is just a fan fiction thingy . Thanks for reading tho! :D
Must see! Nice unexpected ending! :'((
ReplyDeleteThank you for reading and appreciating! Godbless :D
Delete